Ano nga ba ang interaksyon nating mga tao sa kalikasan? Anong interaksyon ko sa kalikasan? Gaya nga ng sinabi ko, ang kalikasan ay napaka-importante sa ating buhay. Sa kalikasan mo, at ko, makukuha ang mga pagkain na pang-araw-araw. Masasabi mo na may mga hayop naman na pwedeng makakain gaya ng baboy aat manok, pero hindi tayo pwedeng kumain nito araw-araw dahil nakakasira ito sa ating katawan. Ang gulay at prutas ay nagbibigay ng bitamina sa ating katawan at galing ito sa kalikasan.
Minsan, ang kalikasan ay nakakatulong sa atin na makapaghinga at mapanatag ang ating utak. Lahat ng tao ay kailangan ng pahinga at ang kalikasan ay isa sa pinakamadaling paraan. Dahil din sa kulay nito.
Kung pagmasdan ninyo ang ating kapaligiran, marami na ang nabago. Isang dahilan nito ay dahil sa Climate change. Tumataas na ang sea levels at painit na painit na ang mundo dahil sa Global Warming. Huwag na tayong magsunog ng mga plastik para hindi na lalaki pa ang butas sa O-zone layer.
Malaki ang papel ng kalikasan sa ating buhay. Unti-Unti na itong nasisira. Ano ang magagawa natin kung mawawala na ito? Habang nandito pa ang ating kalikasan, alagaan natin ito. Isa ito sa pinaka-importanteng bagay sa mundo. Ikaw? Ano ang interaksyon mo sa kalikasan?
Faded Titanium: The Best Faded Glasses in the World - Tetanium
ReplyDeleteFaded Titanium: The Best Faded Glasses in titanium steel the guy tang titanium toner World - raft titanium Tetanium Art. Faded Titanium: The Best Faded titanium dental Glasses in the titanium drill bits World - Tetanium Art.